August 5, 2009

Goodbye President Corazon Aquino

posted by Aya Empeo at 16:35

“I would rather die a meaningful death than to live a meaningless life.”

-Corazon C. Aquino


How should I start? hmm.. Isa ako sa mga taong sumabaybay sa paggaling ni Former President Aquino. Isang araw paggising ko nagulat ako sa balita na namatay na siya. Sino ba si Corazon Aquino? siya lang naman ung tao na nagbalik ng Demokrasya sa bayan, ang ating kalayaan. Hindi pa ako pinapanganak nung nagMartial Law at nung People Power I (EDSA Revolution) kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari nung mga panahon na iyon pero masasabi kong maswerte ako kasi naranasan ko ang kalayaan na ipinaglaban ng dating pangulo. Ngayon, idadala na siya sa kanyang huling hantungan ako po ay nagpapasalamat sa dating pangulong Corazon Aquino at sana po ay maging masaya na po kayo sa tabi ng ating Diyos at ng inyo pong asawa na si Benigno Aquino. May your humble and beloved soul rest in peace.


0 comments:

Post a Comment

 

Ayyie in Lalaland! Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare