August 10, 2009

O.R. Duty Day 5. =3

posted by Aya Empeo at 16:55
Sa Operating Room kami ngayon nagduduty. Masaya sa OR. Anyway, nakaisang case ako today. Fistulectomy dahil wala pa kong room para sa case, nagcirculating muna ako kay Kyon sa case niya na Hypospadia. Ang super cute ng bata, 4 years old lang siya pero super cute niya. Ginawa ko lahat ng aking maiitutulong sa scrub nurse at sa classmate ko HAHA pero la pa rin kwenta x3. Four hours ako nakatambay dun haha.

Then lumapit na si sir at sinabi na dumating na case ko, buti na lang di na ako nahirapan magsuot ng sterile gown at sterile gloves hindi kagaya dati. sandaliang suot lang. Nakita ko na magulo ung instruments so ang ginawa ko inayos ko ito ung mga OS (gauze pad) inayos ko rin. After ko ayusin ung mga gamit mga ilang minuto lang tapos na ung Operation =3. Ung case ko is Hemorrhoidectomy with Fistulectomy. Ambilis haha.

1minor case to go at ako'y complete na sa requirement ng PRC.

nagquiz kami kanina. super hirap mukhang ewan nga eh. di ko lam kung may tama akong sagot. HAHA x3.

0 comments:

Post a Comment

 

Ayyie in Lalaland! Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare