Paano ba ako magstart? hmm... May kaibigan ako ang pangalan ay Marijo Mae Cuevas. Kapag kasama ko sila ni Michael Shem Bermudez napapakain at napapagastos ako dahil pareparehas kaming matatakaw. haha. Anyways, matagal ko ng di nakakasama si Majo pag uwi. So, naglakad kami from MMC to SM Makati. Layo nu? gawain namen niyan actually ako lang haha.. kahit mag isa ginagawa ko yan. Tipid and pangpabawas din ng fats! harhar. anyway, tuwing naglalakad ako papuntang sm makati may nakikita akong bakery/coffee shop. suuuuuper ganda. Then naiisipan namen ni Majo na magtry dun. So aun. Kumain kami dun sa Mom and Tina's bakery sabi ni Majo "Tom and Tina's bakery" nyahaha xD. Anyway ang inoorder namen si Mango and Toblerone Walnut (as recommended by the waiter). Dapat ang bibilhin ko is the Mango Walnut pero kay majo bingay so sa aken ung toblerone. Ano masasabi ko? hmmm.. ung Mango gusto ko! as in! ung toblerone nakakaumay kainis! haha ang mahal pa! 85 pesos eh ung mango 80 pesos. haha tapos naubos na ni Majo ung Mango Walnut ako nasa kalahati pa nung Toblerone ko. Sabi ko kay Majo ubusin nia ung aken ayaw naman nia. Nung natapos na ako sa Toblerone ko. Naging tanga naman kami sa pagbayad ng bills haha. di namen alam kung paano. haha. nanunuod kami sa ibang customers then nagets namen paano magbayad haha xD
After namen magbayad. Nakita namen ni Majo ung Niro Pizza. Un ung gusto niyang kainan minsan. Dahil wala kaming magawa. Pumunta kami dun. Tapos ung napuntahan namen para lang sa Take out. So naglakad pa kami para puntahan ung ung main. At nag order. At ito pa, wala pa kami nagagawa para sa Ward paper na dahil kami ay busy lumalamon! haha Bumili kami nung bits chuchu.. basta ung pang solo na maliit na pizza. =3 At dahil naalala namen na may dapat kaming gawin. Kumain na lang kami habang naglalakad. At umuwi na haha xD
Babalik ulit ako dun sa Bakery na un! :D
Pictures can be seen @ multiply.
0 comments:
Post a Comment