March 23, 2009

BWISET!!

posted by Aya Empeo at 19:27 0 comments Links to this post
meron kasi akong friend na guy. close kami ewan ko kung super close pero close kami.
nung mga ilang buwan lang ang nakalipas ok ok pa kami eh.
sa kanya ako naglalabas ng sama ng loob. sinasabi ung mga secrets ko. etc. basta un
nung tumagal umiba na ugali niya. di naman ako nagagalit kasi nagbago siya. baka nman ganyan talaga ugali niya wala pa namang isang taong kilala ko ung lalaking un!!
anyway, nung una hindi ako naiinis sa kanya. siguro nadala lang ako sa emosyon ng mga kagrupo kaya siguro naiinis ako sa kanya. tinanong ako ng isang groupmate ko
"di ba close ka kay..?"
"lumalayo na din ako sa kanya"
"bakit ka lumalayo sa kanya?"
napaisip ako kung bakit nga ba? ung unang reason kasi nagselos ung kaibigan ko sa aken kasi crush niya ung guy na un. pero nung sinabi ko sa friend ko na lalayo na ko sa guy na un sabi nia wag ko daw gawin. so hindi rin pwede un kasi matagal tagal na un. "bakit nga ba?"

mababaw lang ung rason kasi BINARA nia ako!!
di ba sabi ko nga sa inyo xa ung nilalabasan ko ng sama ng loob sa kanya ako nagkwekwento. nagkwento ako ng isang beses. binara pa naman niya ako. tapos biglang alis. lam nio ung mga scene sa mga drama na sinigawan ka tapos biglang aalis xa tapos ikaw nakatayo ka lang. para ganun. ang babaw nu?
atsaka siguro ung hindi nia pag attend ng mga meeting ng group. actually nahawa lang ako sa mga kagrupo ko.
simula nun, hindi na ko sumasabay sa kanya pag-uwi, di na ko dumidikit sa kanya, di ko na rin xa masayado kinakausap.
dati natitiis ko pa ung mga tukso niya sa aken pero ngayon di ko na matiis, makita ko lang pagmumukha niya nababadtrip na ako. dati siya ung unang una na tao na ininvite ko pag may gusto akong puntahan pero ngayon di ko na iniisip na isama xa sa mga gala ko.

hindi ko na nga siya naririnig na sumisigaw ng "HARUHI!!!" bilang na lang. ayaw ko na rin sumigaw ng "KYON!!!" kasi nababadtrip lang ako.
pero gusto ko pa rin na maging ok kami syempre nakakamiss din siya nu!! atsaka gusto ko matuloy ung GROUP COSPLAY namin nu!!! anyway,

gumawa ako ng entry kasi naiinis ako sa kanya ngayon. infareness di kami nagpansinan ngayon.
Ako kasi ung taong mahilig mag GM sa text. ung isa kong kagroup nagkwento na madami naiinis sa aken pag nag ggm.. kaya un nagdrama ako dun sa guy na un.. na ayun nga marami pala naiinis sa aken. sabi niya "sa mga nakakaintindi ka na lang magGM, ung group naten". eh di un dun lang ako naggGM. tapos kanina nagGM ako, putik! BINARA na naman ako!!!
ang babaw nu? siguro kasi hindi ako sanay...

simula ngayon. real name mo na lang itatawag ko sau. bumili ka ng pizza mo mag-isa!!!

Minsan naiisip ko na kaya niya ko nilalapitan o sumama xa sa akin kasi may kailangan siya sa aken or whatsoever!

madami pa ako kinaiinisan sa kanya! naiinis ako. sana maging ok na kami kasi 1 year ko pa xa makakasama. maganda sana kung hindi ko xa kagrupo pero hindi kagrupo ko xa eh, sana wag ko lang xa maging partner sa duty.!! ayaw ko ng gumagawa gawa lang ng interventions sa progress tapos di nman iniimplement!!

un lang. *bow*

March 15, 2009

Duty for the 3rd year of my life in Nursing

posted by Aya Empeo at 00:46 0 comments Links to this post
1st semester

-Nursery at Makati Medical Center (C.I.: Mam Adelle Morong)
ito na ung first day ng duty ko with the new group. Ito ung mga days na iniisip ko kung magiging close ba ako sa kanila, magiging ok ba ako sa kanila. Ito rin ung first day ko humandle ng mga bata ay mali newborn babies. Dito ko naranasan mag alaga ng babies, magpaligo, magpalit ng diaper at gumawa ng PROGRESS NOTES!! HAHAHA Xd. Pero di pa actual, sample charting lang, bawal yata eh. Anyway, the best part sa Nursery is the Admission. Super nakakatawa tuwing may admission ako yata ung sumisigaw! HAHA. excitement is in my heart!!! Pinakafavorite part ko sa Admission is ung Suctioning at Injection of Hepatitis B Vaccine. Ang pinakaayaw ko is ung magpaligo ng babies, paano ba naman kasi ANG BIGAT nila at NANGANGAWIT ako HAHA! Masasabi ko dun sa mga Nurse is super bait nila at ang kukulit nila natutuwa ako sa kanila. Dito ko rin naranasan ung totoong IC, Individual Conference. Kawawa kaya ako kay Mam Morong. Ang naalala ko lang na question niya sa aken is ung "Kelan nag mamature ang Immune System ng bata". Promise di ko talaga alam! HAHA. 2 months after ko pa nalaman. Nakakamiss din ang Nursery. Ung Case History ko dito is a pure japanese, atsaka laging naassign sa akin ay puro Japanese. La lang. Naging favorite ng group ung song na Tell Me by Wonder Girls, oh san kau, habang nagquiquix kinakanta nila yan. HAHA
-Delivery Room at Makati Medical Center (C.I.: Mam Erika Sheryl Garbida)
Hindi ko makakalimutan sa Delivery Room is ung Minor Operation ko. Super promise di ko xa makakalimutan, ang hirap iexplain eh. Isa pang unforgettable moment is ung nagbleed ung buntis as in nagBLEEEEEEEEEEED!!!!!!!!!!!!!!! super lahat ng nurse nagpapanic! Dalawa lang yatang case ang nakuha ko diyan, ewan HAHA. halos ginagawa ko sa DR is umikot ng umikot in short GUMALA! haha. pinakagusto ko na maassign ako is sa Room na walang PATIENT! Hahaha xD. ayaw ko sa RR madami patients. super dami! q15 pa ang VS! Ito lang ung rotation na maraming make up duties.. =3 Lagi kong partner si Renz Belnas sa Rotation na toh.
-6th Floor at Makati Medical Center (C.I.: Mam Irene Dacuno)
Ito ung rotation kung saan ko naramdaman ang pagiging nurse. Nakakatuwa kasi hindi ka talaga mabobored. Marami ka matutunan kasi ung mga nurse dito friendly and approchable. Minsan namimigay pa ng meal stub! Unforgettable moment is ung patient namen ni Renz Belnas, nagBlood Transfusion tapos super kakarating lang namen nanginginnig an xa, nagcramps daw lower extremities niya. Super Toxic! at muntik pa kami magka Incidental Report nila Renz, Mam Dacuno and Mam Abby kasi muntik na mahulog ung patien pero di xa actually nahulog kaya walang I.R.. hmm.. ano pa? Ito ung mga times na tinataguan namen si Mam Magpatoc. HAHA. tuwing darating siya, takbuhan kami sa patient's room! At dito ko rin naranasan Mag Actual Charting as in mag iisip ka ng Nursing Diagnosis at isusulat sa progress notes. Ano pa ba? Nameet ko ung barkada ni sir briones! AHAHA! si Mam Vic at siya pa ang unang buddy/primary nurse ko ngalang nagresign na siya at nag C.I. din.
-Bangkal Lying In at Brgy. Bangkal, Makati City (C.I.: Mam Beth Tingcungco)
First day na first day sinigawan kami ni Mam! Tapos nakaupo kami sa round table isa isa tinatanong at walang maisagot haha. super duper takot kami kay mam! Kami tatlo nila Franz at Renz ung first batch na magpapaanak. Si Renz sa assist, Ako sa actual at si Franz sa newborn care. Boljak si Franz. Sigaw ng sigaw si Mam! hehe. Buti na lang nung nagkanewborn ako, naglelecture kami kaya binigay na lang sa aken at di ko naranasan ang bagsik ni Mam Tingcungco! Pero nung tumagal nagugustuhan namen si Mam. Kasi kwento xa ng kwento about sa lovelife, showbiz, etc. At ito pa, pati about kay Sir Briones nagkwekwento siya lakas ng trip ng mga kagrupo ko. Haha may naalala ako. bumili ng nescafe 3-in-1 si gel gusto niya ibigay kay Mam para hindi mahigh blood eh natatakot siya. So, nagvolunteer ako, wala naman nangyari nag Thank you lang naman xa, the next day si belnas na nagbibigay kay mam tingcungco. Tuwing tinatawag ako ni Mam, alam ko na kung bakit. May natira siyang pagkain! HAHA. Ibibigay niya sa amen ako kasi lagi niya nakikita kaya ako nauutusan ibigay sa mga kagrupo ko. Kaya tuwang tuwa si Khate at Kyon. Ito ung rotation na laging BREAK. HAHA. ano pa? INIWAN AKO NI MAM TINGCUNGCO!!!! absent tuloy ako, 3 days make up tuloy! hehe. perfect health teaching ko, walang correction puro check! Kasi di naman siya nanuod sa health teaching namen. haha wawa ung nauna sa amen!
2ND SEMESTER
-8th Floor (Communicable Disease) at Makati Medical Center (C.I.: Mam Luz Magpatoc)
di ba sabi ko nung 6th floor kami, tinataguan namen siya. Ito hindi namin xa mataguan kasi siya ang C.I. at adviser namin sa for Grand Case Presentation! Ang di ko makakalimutan is lagi akong nakatambay sa kwarto ng patient ko kahit alam ko na nakakahawa ung sakit niya HAHA! nang invite pa ako ng mga kagrupo!!! Kung nung Nursery natoxic ako sa I.C. ni Mam Morong, ibang klase si Mam Magpatoc! Sasakit talaga ulo mo! SUUUUUUUUUPER TOXIC talaga! sa umaga ok pa pero pag nagpacheck ka ng nursing diagnosis, good luck sau! May naalala ako, HAHA, bigla nawala ung mga kagrupo ko at ako'y nagtaka un pala nakatago sila sa Pantry. eh di triny ko nung bandang tanghali, first time ko tumambay sa pantry!!!! sa kasamaang palad nahuli ako, actually may kasama ako nun pero nakatago siya kaya di xa nahuli. Mahabang storya. dalawang beses ako nahuli ni Mam, pero mahaba talaga haha. tinatamad na ako. Ito rotation ung muntik na ako umiyak. HAHA. nagluluha na nga ako nun eh. buti na lang mga bata ung mga patient ko maliban dun sa last half japanese, suplado! HAHA
-4th Pavillon and di ko maalala ung isang Pavillon at San Lazaro Hospital (C.I.: Mam Priscila Longanilla)
Ito ung rotation na talo pa biyahe sa duty. I mean ang haba ng oras ng biyahe tapos ung duty super bilis! Kakarating mo lang charting na agad! At super naculture shock ako, no offense pero nagulat ako sa ibang schools. Ayoko na lang magcomment. Anyway, nakakatuwa kasi ang daming iba't ibang klase ng sakit sa SLH. Naalala ko may patient ako pinamemorize ko sa kanya ung names ng mga kagrupo ko at si Riqi lang naalala niya! hmmpf! HAHA. Si Kuya Sarap! ang tindero ng chocolate at C2ng sobrang lamig na suuuper magaling mag acting! Nakakamiss siya! Suki niya kasi kami HAHA. Si Kuya Randy at ang MMC Bus! ang bus na ginawa naming BAR! dahil super traffic lagi sa Maynila ang ginagawa namen is pinapatay ung ilaw ng bus then sara lahat ng kurtina then sayawan na! HAHA. Masaya sa SLH, lalo na dun sa ilalim ng mango tree!!!
-Pio-Arguelles Health Center at Brgy. Pio del Pilar, Makati City (CI: Mam Adelle Morong and Sir Adrian dela Cruz)
Ito ung rotation na lumawag ang aming kalooban long story din. katamad magkwento. Anyway, masaya dito sa Health Center mababait din ang mga tao dito. Pinakagusto kong part is ung immunizatin day, mag iinjection kami ng mga bata! Nung si Mam Morong ung C.I. namen ok ok lang ung duty, may bumababa para tumulong, pero nung si Sir dela Cruz na ung C.I. namen, ibang klase, MAS OK! kahit wag ka ng bumaba! haha. Takot ako sa partner ko sa diad, Si Charm. Super talino kasi basta natatakot ako sa kanya. Ah, dito ako nagcelebrate ng birthday ko! tapos birthday ni Mam Morong. ano pa? si Eva Fonda, Eva na tawag ni Mam Morong at Sir dela Cruz kay Riqi HAHAHA! Di ko makakalimutan ung batang kamukha ni Jin Joson ung gusto niya ako iuwe HAHA. nakakatuwa xa, namiss ko tuloy xa hehe.
-National Center for Mental Health at Mandaluyong City. (CI: Mam Margaret May Ga)
Ang original C.I. namen is Mam Tingcungco pero kinuha na siya ni Lord kaya si Mam Ga na. Anyway, ibang experience toh! Sumakit ang ulo ko para makakuha ng information about sa patient ko. Hehe. Pero masaya! Masaya silang alagaan. Nahuli ako ni Mam Ga natutulog haha! ano pa? Sumakit ung ulo ko sa papers! lalo na sa NPI! kabadtrip! Madalas gawin dito is reporting and film showing kapag walang patient interaction. Si Mam Ga, super baet nia at kamukha niya si Angelica Panganiban.
-6th Floor at Makati Medical Center (C.I.: Sir Fur Serquinia and Mam Vic Tamayo)
Bago pa magduty natatakot na ko kay Sir Fur kasi ung mga pinagsasabi nila about kay Sir, ganito xa ganyan xa. Pero excited din ako kasi nga favorite ko ang 6th Floor. Anyway, super dito ko natutunan mag isip ng Nursing Diagnosis na suuuuuuuuuuuuper haba! ibang klase kasi si sir! At nagulat ako kasi hindi naman totoo ung pinagsasabi nung ibang students (pero sabi nila nagbago daw si sir, as in ang laki daw ng pinagbago). Marami ako natutunan kay Sir Fur as in suuuper dami! di ko na mabanggit kasi nga suuuuuuper dami! Tapos malakas pang mantrip haha. pero ung half ng rotation na toh nagpalit na ng C.I. si Mam Vic. Makikita mo kay Mam Vic is namimiss niya pagiging staff nurse ng 6th Floor kasi sasama talaga siya sa rounds ah basta sa lahat ng gagawin mo. Masaya si Mam Vic kasi makwela at one time nilibre niya ko ng pamasahe hanggang sa amen (taga merville kasi xa...). Siguro ung 6th floor ung pinakamemorable at the best rotation na naranasan ko kasi ang dami kong natutunan! at sabi ko nga dun sa una, dito ko nafeel ang pagiging nurse =3.

March 9, 2009

For The Future

posted by Aya Empeo at 18:56 0 comments Links to this post
"Ara pot, anong gusto mo paglaki mo?"
"Gusto ko maging Doctor
"
3 years old ako ng pinangarap ko maging isang successful Doctor, kaya tuwing christmas and birthday ang gift sa akin eh ung laruan na doktor doktoran. Ng ako'y mag grade 2, sabi ko sa Lolo ko mag guguro ako sa mga bata. Nang nag grade 3 ako, sabi ko magVeveterinarian na lang ako. May isang activity nung grade 3, isa mga questions ay "Ano ang gusto mo paglaki?" sagot ko "Veterinarian" sumabat ung classmate ko "Ara, gamutin mo naman ung ipis ko!" (Papansin.. ). Pagdating naman ng grade 4, super duper adik na ako sa anime, (matagal na akong adik sa anime, kinder pa lang! pero ito adik na talaga) nadiscover (kuno!) na marunong pala ako magdrawing kaya sabi ko ang kukunin ko pag nagcollege ako is Fine Arts. Nang nag grade 5, Fine Arts pa rin pero.. ibang klase! Kelangan maging mangaka ako sa Japan! HAHA... Hanggang grade 6 desidido na Fine Arts talaga ang kukunin ko.
1st year Highschool, maliit pa lang ako, gala na ako.. adventurous daw? HAHA so pinangarap ko maging stewardess pero kalahati ng taon ko sa 1st year nagustuhan ko din ang Psychologist dahil challenging.! 2nd year highschool, wala na akong paki sa mundo HAHA! Ah ayun! parang nagkakainteresado ako magPMA or PNPA. di ko lam kung bakit dahil siguro mahilig ako sa baril. 3rd year High school, ginive up ko ang pagdradrawing, feeling ko kasi di ko talent un kaya di na ako sumasali sa mga drawing contest hindi kagaya dati. Nung 3rd year, maging isang successful novelist or scriptwriter masaya na ako. Naalala ko gumawa kami ng comics ng bestfriend ko, xa sa illustrations ako sa script. Masaya naman. mukha lang ewan. Gusto ko rin pala maging Journalist or Newscaster that time! Half year ng 3rd year.. gusto ko maging paleontologist/archeologist, so decided ako kumuha ng BS Biology then after nun Geology, ngalang hindi natupad kasi super ayaw ng mommy ko ung gusto ko kahit until now gusto ko pa rin matupad ung dream na un pero may isang tao talagang suportado ako sa dream na toh, hehe si Ms. Jennifer Digo, adviser ko nung 3rd year. Humilig din ako sa blog nung 3rd year, kaya parang nagustuhan ko kumuha ng multimedia arts or anything connected sa Computer. 4th year Highschool, Nagdrawing ulit ako! super ayaw ko na talaga magdrawing! pero pinipilit nila ako sumali. actually tatlo kami, 2 lalake isang babae (ako un).. pag may drawing contest laging kaming tatlo ung sinasali haha kaya halos kilala na namin ang isa't isa. anyway, hindi ko na binalak kumuha ng Fine Arts. Sumali ako sa Theatre Arts.. Naassign ako sa production team, specifically Assistant Set Designer (FYI, Set Designer namin ung lagi kong kasama sa mga drawing contest wala lang share ko lang), nung naging assistant set designer ako dun ko na nagustuhan maging INTERIOR DESIGNER. Masaya maging Assistant Set Designer, ngalang laging nasa bakasyon ung Set Designer namen kaya tambak sa aken ang gawain HAHA. After ng Theater Arts, binalak ko magtrabaho sa CCP as production staff or Usherette, sayang ok na eh, ngalang ayaw ng parents. Fourth Year, Last year ng Highschool... UNDECIDED talaga! ayun, ang nakuha ko tuloy Bachelor of Science in Nursing.
hmmm.. nangarap pa din ako ngayong college.. pero yaw ko na ituloy ung kwento haha. ito 3rd year Nursing Student na ako. pero may plans na ako for the future.
Starting this year mag aaral na ako for Nursing Board Exam and for MNAT siguro by December 2009 kukuha ako ng exam. Sana matuloy! WAH!
pero may another choice ako, gusto ko kasi after boards may kinikita ako... so baka after boards magNurse ako (6th floor!!!!) or stewardess na lang. Then after 2 years mag aaral ako ng Medicine. Habang Nurse ako gagawin ko na lahat ng gusto ko! =3
NOTE: Pag ako naging isang Host ng isang travelling show.. igigive up ko ang Nursing at seryoso ako or pag nakasama ako sa isang orchestra.. promise igigive up ko ang nursing,...
actually unti pa yan, madami pa kong gusto sa buhay, so di ako sure sa mga plano ko baka magbago pa yan.. hehe pero ngayon yan muna! WAH! sana matupad!
"I'll be successful not because of others dream,
I'll be successful because of my dream"
(wrong grammar yata? HAHA ewan!)
P.S.
-dream ng Mommy ko maging Nurse pero pinillit xa ng parents niya magPulis. Papansin, kaya niya ako pinagNurse. HAHA. pero isa siya sa mga taong nagsusupport sa decision ko magMedicine.
-pero the best ang Daddy ko. Lahat sinusuporthan niya ako, maging Fashion Designer, Photographer, Medicine etc. basta kung san ako masaya susuportahan daw niya ako.

March 2, 2009

Upper Respiratory Tract Infection

posted by Aya Empeo at 01:00 0 comments Links to this post
Last february 16, 2009. Habang gumagawa ng Individual Case Study for NCMH Duty I felt dizziness, weakening, muscle weakness and headache. Sumakit din ung throat ko pero still continue with my work. Akala ko kasi ung mga nararamdaman ko is psychological (signs and symptoms ng katamaran.. haha). The next day, February 17, 2009. Gumising ako ng 4am, super bigat talaga ng katawan ko. Ang sakit sakit ng ulo ko then I tried to checked my temperature, it was 38.9 °C! Gusto ko talaga pumasok kasi pasahan na ng case study pero sabi nila magpahinga ako, ayaw ako papasukin ng daddy ko. so ayun, hindi nga ako pumasok. natulog ako buong araw. Then pumunta ako sa MMC para sa magpacheck up. nakita ko pa ung kabilang section nagduduty (Group 2 section A group yan ng pinsan ko, nakita ko pa ung pinsan kong makulit hehe). Super nanghihina ako nung pumunta kami sa MMC nahihirapan nga ako maglakad. Anyway, nung nagpacheck up ako. Naiinis ako dun sa Doctor, di man lang chineck breath sounds ko, chineck ung tonsils ko, pinalpate ang lymphnodes parang ewan lang "ok, may URTI ka" di man lang inexplain sa aken ung pathophysio ng sakit ko kahit alam ko ano un, pero di ba? ah basta nakakainis. ayun nga, Medical Diagnosis ko is "Upper Respiratory Tract Infection, Bacterial". Meron akong Cough and Colds with Fever, Pharyngitis and Laryngitis oh ang dami nu?. Na refer ako sa Laboratory for CBC, putik ang tagal 3 hours ako naghintay! lantang gulay na nga ako pinahihintay pa nila ako. Anyway, nakita ko si Isidor Domingo a.k.a. IC, ang crush ng bayan. Medtech siya baliw na baliw sa kanya ung mga kaklase ko pero galit ung pinsan ko sa kanya dahil nagkahematoma ung pinsan ko dahil sa kanya HAHA! unfortunately, hindi siya ung nag extract ng blood ko. Sayang iingitin ko sana si Riqi at Cez HAHA! after nun, bumili pa kami ng medicines, ang dami! actually apat lang un. Paracetamol, Amoxicillin, tapos di ko na maalala ung dalawang meds, basta ung parang orange juice na super asim and ung super liit na tablet. NAKAKATAMAD UMINOM NG MEDICINES SA TOTOO LANG! Pagkauwi ko, tulog agad ako. Hindi rin pala ako makakain. Ay, ito pa pala nag experiment ako. Wala akong ginawang interventions to alleviate hyperthermia. Dahil gusto ko mafeel magkafever ng 40 °C. Pagdating ng 7pm oh, pagcheck ng mommy ko sa temperature ko, 40°C! super lahat sila nataranta.. ginawa lahat ng nursing interventions na madalas ko ilagay sa nursing care plans. Ang hirap pala, di ko kaya. Natulog ako buong araw. The next day 38.7°C ung temp. ko.. Tapos nasusuka ako, wah! lahat ng kinain ko sinuka ko! tapos tulog ulit. mga 10am, nag ayos na ako at mga 12nn pumasok ako kahit hindi ako pinayagan kasi nga magpapasa ako ng case study ko at may exam sa PMSD!!! ayun. 3 weeks akong may URTI. ! week na may Laryngitis ant Pharyngitis. Namiss ko ang Ice Cream kaya pagkagaling ko bili agad ng ICE CREAM! HAHA pasaway! ayun ang nangyari sa aken. minsanan lang ako magkasakit, ang hirap pala. Akala ko may pneumonia na ako hehe. atleast ok na ako ngayon.
 

Ayyie in Lalaland! Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare