"Ara pot, anong gusto mo paglaki mo?"
"Gusto ko maging Doctor"
"Gusto ko maging Doctor"
3 years old ako ng pinangarap ko maging isang successful Doctor, kaya tuwing christmas and birthday ang gift sa akin eh ung laruan na doktor doktoran. Ng ako'y mag grade 2, sabi ko sa Lolo ko mag guguro ako sa mga bata. Nang nag grade 3 ako, sabi ko magVeveterinarian na lang ako. May isang activity nung grade 3, isa mga questions ay "Ano ang gusto mo paglaki?" sagot ko "Veterinarian" sumabat ung classmate ko "Ara, gamutin mo naman ung ipis ko!" (Papansin.. ). Pagdating naman ng grade 4, super duper adik na ako sa anime, (matagal na akong adik sa anime, kinder pa lang! pero ito adik na talaga) nadiscover (kuno!) na marunong pala ako magdrawing kaya sabi ko ang kukunin ko pag nagcollege ako is Fine Arts. Nang nag grade 5, Fine Arts pa rin pero.. ibang klase! Kelangan maging mangaka ako sa Japan! HAHA... Hanggang grade 6 desidido na Fine Arts talaga ang kukunin ko.
1st year Highschool, maliit pa lang ako, gala na ako.. adventurous daw? HAHA so pinangarap ko maging stewardess pero kalahati ng taon ko sa 1st year nagustuhan ko din ang Psychologist dahil challenging.! 2nd year highschool, wala na akong paki sa mundo HAHA! Ah ayun! parang nagkakainteresado ako magPMA or PNPA. di ko lam kung bakit dahil siguro mahilig ako sa baril. 3rd year High school, ginive up ko ang pagdradrawing, feeling ko kasi di ko talent un kaya di na ako sumasali sa mga drawing contest hindi kagaya dati. Nung 3rd year, maging isang successful novelist or scriptwriter masaya na ako. Naalala ko gumawa kami ng comics ng bestfriend ko, xa sa illustrations ako sa script. Masaya naman. mukha lang ewan. Gusto ko rin pala maging Journalist or Newscaster that time! Half year ng 3rd year.. gusto ko maging paleontologist/archeologist, so decided ako kumuha ng BS Biology then after nun Geology, ngalang hindi natupad kasi super ayaw ng mommy ko ung gusto ko kahit until now gusto ko pa rin matupad ung dream na un pero may isang tao talagang suportado ako sa dream na toh, hehe si Ms. Jennifer Digo, adviser ko nung 3rd year. Humilig din ako sa blog nung 3rd year, kaya parang nagustuhan ko kumuha ng multimedia arts or anything connected sa Computer. 4th year Highschool, Nagdrawing ulit ako! super ayaw ko na talaga magdrawing! pero pinipilit nila ako sumali. actually tatlo kami, 2 lalake isang babae (ako un).. pag may drawing contest laging kaming tatlo ung sinasali haha kaya halos kilala na namin ang isa't isa. anyway, hindi ko na binalak kumuha ng Fine Arts. Sumali ako sa Theatre Arts.. Naassign ako sa production team, specifically Assistant Set Designer (FYI, Set Designer namin ung lagi kong kasama sa mga drawing contest wala lang share ko lang), nung naging assistant set designer ako dun ko na nagustuhan maging INTERIOR DESIGNER. Masaya maging Assistant Set Designer, ngalang laging nasa bakasyon ung Set Designer namen kaya tambak sa aken ang gawain HAHA. After ng Theater Arts, binalak ko magtrabaho sa CCP as production staff or Usherette, sayang ok na eh, ngalang ayaw ng parents. Fourth Year, Last year ng Highschool... UNDECIDED talaga! ayun, ang nakuha ko tuloy Bachelor of Science in Nursing.
hmmm.. nangarap pa din ako ngayong college.. pero yaw ko na ituloy ung kwento haha. ito 3rd year Nursing Student na ako. pero may plans na ako for the future.
Starting this year mag aaral na ako for Nursing Board Exam and for MNAT siguro by December 2009 kukuha ako ng exam. Sana matuloy! WAH!
pero may another choice ako, gusto ko kasi after boards may kinikita ako... so baka after boards magNurse ako (6th floor!!!!) or stewardess na lang. Then after 2 years mag aaral ako ng Medicine. Habang Nurse ako gagawin ko na lahat ng gusto ko! =3
NOTE: Pag ako naging isang Host ng isang travelling show.. igigive up ko ang Nursing at seryoso ako or pag nakasama ako sa isang orchestra.. promise igigive up ko ang nursing,...
actually unti pa yan, madami pa kong gusto sa buhay, so di ako sure sa mga plano ko baka magbago pa yan.. hehe pero ngayon yan muna! WAH! sana matupad!
"I'll be successful not because of others dream,
I'll be successful because of my dream"
(wrong grammar yata? HAHA ewan!)
P.S.
-dream ng Mommy ko maging Nurse pero pinillit xa ng parents niya magPulis. Papansin, kaya niya ako pinagNurse. HAHA. pero isa siya sa mga taong nagsusupport sa decision ko magMedicine.
-pero the best ang Daddy ko. Lahat sinusuporthan niya ako, maging Fashion Designer, Photographer, Medicine etc. basta kung san ako masaya susuportahan daw niya ako.
0 comments:
Post a Comment