-Nursery at Makati Medical Center (C.I.: Mam Adelle Morong)
ito na ung first day ng duty ko with the new group. Ito ung mga days na iniisip ko kung magiging close ba ako sa kanila, magiging ok ba ako sa kanila. Ito rin ung first day ko humandle ng mga bata ay mali newborn babies. Dito ko naranasan mag alaga ng babies, magpaligo, magpalit ng diaper at gumawa ng PROGRESS NOTES!! HAHAHA Xd. Pero di pa actual, sample charting lang, bawal yata eh. Anyway, the best part sa Nursery is the Admission. Super nakakatawa tuwing may admission ako yata ung sumisigaw! HAHA. excitement is in my heart!!! Pinakafavorite part ko sa Admission is ung Suctioning at Injection of Hepatitis B Vaccine. Ang pinakaayaw ko is ung magpaligo ng babies, paano ba naman kasi ANG BIGAT nila at NANGANGAWIT ako HAHA! Masasabi ko dun sa mga Nurse is super bait nila at ang kukulit nila natutuwa ako sa kanila. Dito ko rin naranasan ung totoong IC, Individual Conference. Kawawa kaya ako kay Mam Morong. Ang naalala ko lang na question niya sa aken is ung "Kelan nag mamature ang Immune System ng bata". Promise di ko talaga alam! HAHA. 2 months after ko pa nalaman. Nakakamiss din ang Nursery. Ung Case History ko dito is a pure japanese, atsaka laging naassign sa akin ay puro Japanese. La lang. Naging favorite ng group ung song na Tell Me by Wonder Girls, oh san kau, habang nagquiquix kinakanta nila yan. HAHA
-Delivery Room at Makati Medical Center (C.I.: Mam Erika Sheryl Garbida)
Hindi ko makakalimutan sa Delivery Room is ung Minor Operation ko. Super promise di ko xa makakalimutan, ang hirap iexplain eh. Isa pang unforgettable moment is ung nagbleed ung buntis as in nagBLEEEEEEEEEEED!!!!!!!!!!!!!!! super lahat ng nurse nagpapanic! Dalawa lang yatang case ang nakuha ko diyan, ewan HAHA. halos ginagawa ko sa DR is umikot ng umikot in short GUMALA! haha. pinakagusto ko na maassign ako is sa Room na walang PATIENT! Hahaha xD. ayaw ko sa RR madami patients. super dami! q15 pa ang VS! Ito lang ung rotation na maraming make up duties.. =3 Lagi kong partner si Renz Belnas sa Rotation na toh.
-6th Floor at Makati Medical Center (C.I.: Mam Irene Dacuno)
Ito ung rotation kung saan ko naramdaman ang pagiging nurse. Nakakatuwa kasi hindi ka talaga mabobored. Marami ka matutunan kasi ung mga nurse dito friendly and approchable. Minsan namimigay pa ng meal stub! Unforgettable moment is ung patient namen ni Renz Belnas, nagBlood Transfusion tapos super kakarating lang namen nanginginnig an xa, nagcramps daw lower extremities niya. Super Toxic! at muntik pa kami magka Incidental Report nila Renz, Mam Dacuno and Mam Abby kasi muntik na mahulog ung patien pero di xa actually nahulog kaya walang I.R.. hmm.. ano pa? Ito ung mga times na tinataguan namen si Mam Magpatoc. HAHA. tuwing darating siya, takbuhan kami sa patient's room! At dito ko rin naranasan Mag Actual Charting as in mag iisip ka ng Nursing Diagnosis at isusulat sa progress notes. Ano pa ba? Nameet ko ung barkada ni sir briones! AHAHA! si Mam Vic at siya pa ang unang buddy/primary nurse ko ngalang nagresign na siya at nag C.I. din.
-Bangkal Lying In at Brgy. Bangkal, Makati City (C.I.: Mam Beth Tingcungco)
First day na first day sinigawan kami ni Mam! Tapos nakaupo kami sa round table isa isa tinatanong at walang maisagot haha. super duper takot kami kay mam! Kami tatlo nila Franz at Renz ung first batch na magpapaanak. Si Renz sa assist, Ako sa actual at si Franz sa newborn care. Boljak si Franz. Sigaw ng sigaw si Mam! hehe. Buti na lang nung nagkanewborn ako, naglelecture kami kaya binigay na lang sa aken at di ko naranasan ang bagsik ni Mam Tingcungco! Pero nung tumagal nagugustuhan namen si Mam. Kasi kwento xa ng kwento about sa lovelife, showbiz, etc. At ito pa, pati about kay Sir Briones nagkwekwento siya lakas ng trip ng mga kagrupo ko. Haha may naalala ako. bumili ng nescafe 3-in-1 si gel gusto niya ibigay kay Mam para hindi mahigh blood eh natatakot siya. So, nagvolunteer ako, wala naman nangyari nag Thank you lang naman xa, the next day si belnas na nagbibigay kay mam tingcungco. Tuwing tinatawag ako ni Mam, alam ko na kung bakit. May natira siyang pagkain! HAHA. Ibibigay niya sa amen ako kasi lagi niya nakikita kaya ako nauutusan ibigay sa mga kagrupo ko. Kaya tuwang tuwa si Khate at Kyon. Ito ung rotation na laging BREAK. HAHA. ano pa? INIWAN AKO NI MAM TINGCUNGCO!!!! absent tuloy ako, 3 days make up tuloy! hehe. perfect health teaching ko, walang correction puro check! Kasi di naman siya nanuod sa health teaching namen. haha wawa ung nauna sa amen!
2ND SEMESTER
-8th Floor (Communicable Disease) at Makati Medical Center (C.I.: Mam Luz Magpatoc)
di ba sabi ko nung 6th floor kami, tinataguan namen siya. Ito hindi namin xa mataguan kasi siya ang C.I. at adviser namin sa for Grand Case Presentation! Ang di ko makakalimutan is lagi akong nakatambay sa kwarto ng patient ko kahit alam ko na nakakahawa ung sakit niya HAHA! nang invite pa ako ng mga kagrupo!!! Kung nung Nursery natoxic ako sa I.C. ni Mam Morong, ibang klase si Mam Magpatoc! Sasakit talaga ulo mo! SUUUUUUUUUPER TOXIC talaga! sa umaga ok pa pero pag nagpacheck ka ng nursing diagnosis, good luck sau! May naalala ako, HAHA, bigla nawala ung mga kagrupo ko at ako'y nagtaka un pala nakatago sila sa Pantry. eh di triny ko nung bandang tanghali, first time ko tumambay sa pantry!!!! sa kasamaang palad nahuli ako, actually may kasama ako nun pero nakatago siya kaya di xa nahuli. Mahabang storya. dalawang beses ako nahuli ni Mam, pero mahaba talaga haha. tinatamad na ako. Ito rotation ung muntik na ako umiyak. HAHA. nagluluha na nga ako nun eh. buti na lang mga bata ung mga patient ko maliban dun sa last half japanese, suplado! HAHA
-4th Pavillon and di ko maalala ung isang Pavillon at San Lazaro Hospital (C.I.: Mam Priscila Longanilla)
Ito ung rotation na talo pa biyahe sa duty. I mean ang haba ng oras ng biyahe tapos ung duty super bilis! Kakarating mo lang charting na agad! At super naculture shock ako, no offense pero nagulat ako sa ibang schools. Ayoko na lang magcomment. Anyway, nakakatuwa kasi ang daming iba't ibang klase ng sakit sa SLH. Naalala ko may patient ako pinamemorize ko sa kanya ung names ng mga kagrupo ko at si Riqi lang naalala niya! hmmpf! HAHA. Si Kuya Sarap! ang tindero ng chocolate at C2ng sobrang lamig na suuuper magaling mag acting! Nakakamiss siya! Suki niya kasi kami HAHA. Si Kuya Randy at ang MMC Bus! ang bus na ginawa naming BAR! dahil super traffic lagi sa Maynila ang ginagawa namen is pinapatay ung ilaw ng bus then sara lahat ng kurtina then sayawan na! HAHA. Masaya sa SLH, lalo na dun sa ilalim ng mango tree!!!
-Pio-Arguelles Health Center at Brgy. Pio del Pilar, Makati City (CI: Mam Adelle Morong and Sir Adrian dela Cruz)
Ito ung rotation na lumawag ang aming kalooban long story din. katamad magkwento. Anyway, masaya dito sa Health Center mababait din ang mga tao dito. Pinakagusto kong part is ung immunizatin day, mag iinjection kami ng mga bata! Nung si Mam Morong ung C.I. namen ok ok lang ung duty, may bumababa para tumulong, pero nung si Sir dela Cruz na ung C.I. namen, ibang klase, MAS OK! kahit wag ka ng bumaba! haha. Takot ako sa partner ko sa diad, Si Charm. Super talino kasi basta natatakot ako sa kanya. Ah, dito ako nagcelebrate ng birthday ko! tapos birthday ni Mam Morong. ano pa? si Eva Fonda, Eva na tawag ni Mam Morong at Sir dela Cruz kay Riqi HAHAHA! Di ko makakalimutan ung batang kamukha ni Jin Joson ung gusto niya ako iuwe HAHA. nakakatuwa xa, namiss ko tuloy xa hehe.
-National Center for Mental Health at Mandaluyong City. (CI: Mam Margaret May Ga)
Ang original C.I. namen is Mam Tingcungco pero kinuha na siya ni Lord kaya si Mam Ga na. Anyway, ibang experience toh! Sumakit ang ulo ko para makakuha ng information about sa patient ko. Hehe. Pero masaya! Masaya silang alagaan. Nahuli ako ni Mam Ga natutulog haha! ano pa? Sumakit ung ulo ko sa papers! lalo na sa NPI! kabadtrip! Madalas gawin dito is reporting and film showing kapag walang patient interaction. Si Mam Ga, super baet nia at kamukha niya si Angelica Panganiban.
-6th Floor at Makati Medical Center (C.I.: Sir Fur Serquinia and Mam Vic Tamayo)
Bago pa magduty natatakot na ko kay Sir Fur kasi ung mga pinagsasabi nila about kay Sir, ganito xa ganyan xa. Pero excited din ako kasi nga favorite ko ang 6th Floor. Anyway, super dito ko natutunan mag isip ng Nursing Diagnosis na suuuuuuuuuuuuper haba! ibang klase kasi si sir! At nagulat ako kasi hindi naman totoo ung pinagsasabi nung ibang students (pero sabi nila nagbago daw si sir, as in ang laki daw ng pinagbago). Marami ako natutunan kay Sir Fur as in suuuper dami! di ko na mabanggit kasi nga suuuuuuper dami! Tapos malakas pang mantrip haha. pero ung half ng rotation na toh nagpalit na ng C.I. si Mam Vic. Makikita mo kay Mam Vic is namimiss niya pagiging staff nurse ng 6th Floor kasi sasama talaga siya sa rounds ah basta sa lahat ng gagawin mo. Masaya si Mam Vic kasi makwela at one time nilibre niya ko ng pamasahe hanggang sa amen (taga merville kasi xa...). Siguro ung 6th floor ung pinakamemorable at the best rotation na naranasan ko kasi ang dami kong natutunan! at sabi ko nga dun sa una, dito ko nafeel ang pagiging nurse =3.
0 comments:
Post a Comment