March 2, 2009

Upper Respiratory Tract Infection

posted by Aya Empeo at 01:00
Last february 16, 2009. Habang gumagawa ng Individual Case Study for NCMH Duty I felt dizziness, weakening, muscle weakness and headache. Sumakit din ung throat ko pero still continue with my work. Akala ko kasi ung mga nararamdaman ko is psychological (signs and symptoms ng katamaran.. haha). The next day, February 17, 2009. Gumising ako ng 4am, super bigat talaga ng katawan ko. Ang sakit sakit ng ulo ko then I tried to checked my temperature, it was 38.9 °C! Gusto ko talaga pumasok kasi pasahan na ng case study pero sabi nila magpahinga ako, ayaw ako papasukin ng daddy ko. so ayun, hindi nga ako pumasok. natulog ako buong araw. Then pumunta ako sa MMC para sa magpacheck up. nakita ko pa ung kabilang section nagduduty (Group 2 section A group yan ng pinsan ko, nakita ko pa ung pinsan kong makulit hehe). Super nanghihina ako nung pumunta kami sa MMC nahihirapan nga ako maglakad. Anyway, nung nagpacheck up ako. Naiinis ako dun sa Doctor, di man lang chineck breath sounds ko, chineck ung tonsils ko, pinalpate ang lymphnodes parang ewan lang "ok, may URTI ka" di man lang inexplain sa aken ung pathophysio ng sakit ko kahit alam ko ano un, pero di ba? ah basta nakakainis. ayun nga, Medical Diagnosis ko is "Upper Respiratory Tract Infection, Bacterial". Meron akong Cough and Colds with Fever, Pharyngitis and Laryngitis oh ang dami nu?. Na refer ako sa Laboratory for CBC, putik ang tagal 3 hours ako naghintay! lantang gulay na nga ako pinahihintay pa nila ako. Anyway, nakita ko si Isidor Domingo a.k.a. IC, ang crush ng bayan. Medtech siya baliw na baliw sa kanya ung mga kaklase ko pero galit ung pinsan ko sa kanya dahil nagkahematoma ung pinsan ko dahil sa kanya HAHA! unfortunately, hindi siya ung nag extract ng blood ko. Sayang iingitin ko sana si Riqi at Cez HAHA! after nun, bumili pa kami ng medicines, ang dami! actually apat lang un. Paracetamol, Amoxicillin, tapos di ko na maalala ung dalawang meds, basta ung parang orange juice na super asim and ung super liit na tablet. NAKAKATAMAD UMINOM NG MEDICINES SA TOTOO LANG! Pagkauwi ko, tulog agad ako. Hindi rin pala ako makakain. Ay, ito pa pala nag experiment ako. Wala akong ginawang interventions to alleviate hyperthermia. Dahil gusto ko mafeel magkafever ng 40 °C. Pagdating ng 7pm oh, pagcheck ng mommy ko sa temperature ko, 40°C! super lahat sila nataranta.. ginawa lahat ng nursing interventions na madalas ko ilagay sa nursing care plans. Ang hirap pala, di ko kaya. Natulog ako buong araw. The next day 38.7°C ung temp. ko.. Tapos nasusuka ako, wah! lahat ng kinain ko sinuka ko! tapos tulog ulit. mga 10am, nag ayos na ako at mga 12nn pumasok ako kahit hindi ako pinayagan kasi nga magpapasa ako ng case study ko at may exam sa PMSD!!! ayun. 3 weeks akong may URTI. ! week na may Laryngitis ant Pharyngitis. Namiss ko ang Ice Cream kaya pagkagaling ko bili agad ng ICE CREAM! HAHA pasaway! ayun ang nangyari sa aken. minsanan lang ako magkasakit, ang hirap pala. Akala ko may pneumonia na ako hehe. atleast ok na ako ngayon.

0 comments:

Post a Comment

 

Ayyie in Lalaland! Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare