siguro another looooooooooooooooooooooong blog entry na naman toh. HAHA xD.
about naman toh sa mga taong naging friends/best friends ko. actually dapat about toh sa mga taong nakapag impluwensiya sa aken ngalang kay Clarins pa lang ang HABA NA! HAHA xD
- Charlene Verano
hindi ko alam kailan ko siya unang nakilala basta nakikita ko sa pictures ko na ever since baby pa lang siya friends na kami (mas matanda ako ng 1 year). Isa siya sa mga kababata ko (dalawa kasi sila), siya ung makikay na friend ko. Mas close ako sa kanya dati kasi katapat lang namen ung bahay nila (ung isa kasi ilang bahay pa ang pagitan). Super close ako sa kanya, lagi siya sa bahay namen minsan ako din lagi sa bahay nila. Crush ko nga ung kuya niya. wahaha. minsan sabay pa kami naliligo, o di ba? nakikiligo pa ako sa kabilang bahay. Pag gising ko ng umaga after ng morning care, diretso na sa bahay nila. 8am hanggang 6pm tambay lang ako sa kanila. Mahilig din siya sa anime pero mas mahilig ako sa anime sa pagkakaalam ko hehe. Basta lagi kami magkadikit, di kami naghihiwalay. Ang ugali niya, ang naalala ko, pag everytime na may laro kami siya lagi ang bida, kapag bahay bahayan xa ang nanay, basta siya lagi ang bida. Nasa malayong lugar na siya ngayon, hehe nasa Paco, Manila na xa (di naman malayo, joke time!). Last na kita namin, 1st year college yata ako sa RTR. Thankful ako sa childhood friend ko na 'to. She unknowingly saved me from that traumatic experience nung maliit pa kami. Super thankful ako kung di siya dumating at hinanap ako baka ano na nangyari sa aken. Unforgettable Moment, para kaming baliw. Pinaniwala niya ko na totoo ang mga characters ng Yu Yu Hakusho at nakakausap niya ito (parang psychic?) HAHA. aun naniwala naman ako. - Veanney Therese M. Esquibal
Si Vea, yan ung isa kong kababata. Siya ung pinakamatagal kong kaibigan hanggang ngayon nagkikita at nag uusap pa rin kami. Nung bata kami, di kami gaano nagkikita, I mean may specific time lang na pumupunta siya sa territoryo namen. HAHA. madalas hapon kasi nga ilang bahay pa ang layo niya sa amen (3 houses lang actually nung bata kami). Si Charlene crush niya ung kapatid ni Vea, wala lang share ko lang haha. Kung si Charlene ay girly si Vea naman boyish haha. Madalas ko nagiging kalaro si Vea tuwing summer kasi dun lang nilalabas ung kitchen set niya haha. Kaya naglalaro kami ng luto lutuan. Nung lumipat na ng bahay si Charlene sa Paco si Vea na ung naging closest friend ko sa may amin. nung mga high school na kami iba na school namen (ay schoolmate ko pala xa nung elementary, naging classmate ko din xa ng dalawang beses.), lagi akong tambay sa bahay nila minsan sila. Magkasundo kami ni Vea kasi parehas kaming boyish pero ayaw ni Charlene at Vea sa isa't isa, ah basta di sila masyadong close. Kung si Charlene mahilig sa anime itong si Vea, hindi. haha. Lagi niyang sinasabihan na bakla si Nuriko. Oo siya un! bastos xa! HAHA. Pero kung tutuusin mas kilala ako ni Vea compare mo kay Charlene. Alam niya kung anung ayaw ko, alam niya buong lovelife ko hanggang ngayon haha. Atsaka nung bata kami makapal ang mukha namen sumasayaw kami sa harap ng bahay namen, ah basta lagi kaming sumasayaw kasama ng mga kapatid namen. Si Vea din nag introduce sa aken sa Legion of Mary, member kaming dalawa dun dahil sa busy schedules din na kami nakakaattend dun. Unforgettable Moment meron ba? haha ang ilalagay ko dito sana ung first time namen mag away dahil inasar ko lang siya kay Cheeno Murayama (tama ba spelling) haha tapos birthday niya di ako umattend kasi may conflict nga pero naging ok kami nung mismo birthday niya dahil pinagbati kami haha. Un na lang. - Monica San Jose
si Monica, ang alam ko classmate ko siya simula nung nag aral ako. Di ko alam paano ko siya naging kaibigan kasi mas malayo pa xa kanila Vea as in sa kabilang dulo pa siya nakatira. Nung nag elementary ako sa Sacred Heart School kami ung lagi magkasama hanggang grade 1 pero nung grade 2 iba na section niya. One time, nag absent siya, umiyak ako kasi wala akong kasama. haha babaw. Unforgettable Moment hinipuan niya ko! un lang haha. - Clarins A. Torrontegui
practice ng graduation nung elementary may cute na malaking babae na nakasuot ng mickey or minnie mouse na headband (di ko maalala sori) na nakapila sa likod. Sabi ko sa sarili ko "gusto ko siya maging kaibigan" pero di magkasabay ung schedule namen kasi panghapon siya pang umaga ako. Iba din school service niya. Nung nag grade 1 ako, lumipat na ako sa school service nila Clarins at di ko akalain diyan diyan lang pala sa tabi tabi nakatira yan. HAHA. Naging close kami nung grade 1 kasi magka school service kami hehe. Nung grade 2 naging mag classmate kami, magkasama kami sa isang grupo. Naalala ko nung grade 2 kami, magkatabi yata kami o nasa harapan ko xa? basta, naiinggit ako sa kanya kasi may polly pocket siya ah basta may laruan xa na sanrio characters tapos ginawa nilang bahay ung pencil case ni Clarins. sana nagets nio.. HAHA. Siya pala ung bata na lahat ng gamit puro HELLO KITTY at FYI, imported at galing Japan (kelangan ba iemphasize un?). At natutuwa ako sa kanya kasi Grade 2 palang xa nagdradrawing na niya si Olive Oyl ng perfect at by this time nalaman ko na adik din pala siya sa anime (actually di ko maalala kung kelan ko nalaman na mahilig pala siya sa anime basta nung grade 2 pinag uusapan na namen ang anime). Grade 3, ang naalala ko sa taas ang classroom niya ung akin nasa baba tapos lagi yata xa pumupunta sa room namen di ko alm kung bakit tapos napagkamalan kami ni Mark na magpinsan. Grade 4, magclassmate ulit kami, magkasama ulit kami sa isang grupo actually ang pinakaclose sa kanya dito is ung isang Ara tapos lumipat na siya ng school ng kalagitnaan ng year. Ayun adik pa rin sa anime. haha. Sa kanya ako lagi nagpapadrawing ng anime characters naalala ko first drawing niya ng dragonball character binigay niya sa aken (kasi si trunks un! eh crush ko un!). Isa siya sa mga taong sumsuporta sa akin sa pagkabaliw ko kay Nuriko. Kung si Vea parang anti Nuriko si Clarins pro! Ang haba na nito. Grade 5 niregaluhan niya ko ng mug at until now buhay pa ung mug na un at inaamag na, di ko talaga ginagalaw haha. Naghiwalay kami nung 1st year high school kasi lumipat siya ng bahay sa Mandaluyong at dun na siya nag aral ako naman sa Taguig. Pagdating ng 2nd year High School bumalik sila sa bahay nila dito at ito pa sa school ko siya nagtransfer. Di kami magclassmate nung 2nd year pero pinaniwala namen ung mga tao sa school na magpinsan kami! Ung iba naniwala lalo na sa section ko papansin lang si Clarins kasi pinagsabi na niya yung totoo. Nung una parang weird kasi di pa kami nag aaway pagdating ng 3rd year puro kami away kung kelan naging classmates kami dun pa kami nag aaway. HAHA. Maraming kadramahan madalas kasalanan ko ay hindi pala madalas LAGI! HAHA. Ako ang may sala bakit kami nag aaway sa simpleng pagkain lang ng tinapay nag away na kami. HAHA. pero meron pang mas deeper issues and everything. Ayaw ko na ang haba na nung kay Clarins. Kung icocompare ko si Vea kay Clarins. Si Clarins lagi kong kasama pero mas kilala ako ni Vea compare kay Clarins. AH! nung grade 5 kami lagi kami magkasama nila Vea at Clarins tapos maglalakad kami ng mabagal para masaraduhan kami ng pintuan kasi ayaw namen umattend ng flag ceremony pero nung bandang gitna ng year may nangyari between sa tita ni Clarins at sa ate ni Vea so nagkaroon ng ilangan issue pero by the end of the year ok na. Ayoko na maglagay ng unforgettable moment. mahaba na masyado HAHA xD. Ah! Bestfriend ko pala siya HAHA for 12 years and still on going? hehe.
May iba pa kong ilalagay.. sa part 2 na! tae ung kay clarins ang haba!
meron pang iba..
sina, Mark Anthony Uy, Ibrahim Miguel Fazonela, Rama Ian Locsin, Clarizza Marie Lozada, Kimberly Delos Reyes, Aubrey Alexis Beltran, Jennifer Anne Fuentes, Jan Nicole Delicana, Ma. Arra Enrica De Rama, Joel Bernados, Naddine Alelih Sarto, Group Twoot (Renz Vincent Belnas, Michael Shem Bermudez, Franz Joseph Buquid, Marijo Mae Cuevas, Inna Imari Del Castillo, Rigel Doctore, Marianne Jessica Enriquez, Trisha Mae Galia, Charmaine Gauiran and Katherine Guilaran)... sabi sa inyo madami pa! HAHA =3
0 comments:
Post a Comment