July 9, 2011

Pangarap..

posted by Aya Empeo at 10:34

Hmmmm... My dream... What I want to be? Nung isang araw as usual nakatulala at nakaupo lang ako. Napaisip isip ako kung ang career na gusto kong kunin ngayon ay talaga bang gusto ko?�

Pangarap ko maging doktor nung bata ako. Oo isa ako sa mga bata na may laruang doktor doktoran at may Case pa un na ngayon ginawa ko ng jewelry box. Halos lahat naman yata ng kilala kong bata pinangarap maging Doktor. Ngayon, inaamin ko, binalak ko abutin ang pangarap na 'to. Ngalang isang araw naitanong ko sa sarili ko, bakit gusto mo maging doktor?? Matagal tagal din ako nag isip.. At wala din akong naisip na sagot. Bakit nga ba? Dahil cguro gusto ko makatulong.. �Oo makatulong sa kapwa.. Pero parang kulang, para hindi siya enough para maging reason.�

Napaisip ako uli... Ang pagiging doktor ba talaga ang pinakagusto ko at alam mong sabi ng puso ko? .. Hindi. Napaisip ako.. matagal ko na palang alam na hindi ko siya priority, gusto ko maging doktor pero hindi talagang gustong gusto.. kaya ako kumuha ng nmat para maitry kung sweswertehin ako pero wala eh. Hanggang sa gusto ko na siya maging career dahil sa tatlong rason: 1. Dahil namiss ko ang pagiging studyante. 2. Ayaw ko pa magtrabaho at masarap umasa sa magulang at 3. Dahil pinagkalat na ng mga magulang ko na magmemed ako. Pride na ang umiral sa akin at dahil dun natabunan na niya ang tunay na inaasam ng puso ko.

Elementary ako, inasam ko mag aral sa DLSU sa kursong Fine Arts. At bakit yun? Kasi gusto ko magdrawing ng landscape at maglakbay. Nung High school ako balak ko na mag aral ng BS Biology sa UP at balak ko pa mag second degree course ng Geology sa UP uli. May balak kasi ako maging Paleontologist or Archaelogist. Tinanong ako ng kapatid ko kung bakit yun? Sabi ko kasi kung saan saang lupalop ng mundo ako makakarating nun. Gusto ko rin maging sundalo kasi pag sundalo naassign kung saan saan, airforce pa nga gusto ko ngalang panira ang mata ko.�

Ngalang umusbong at naging in demand ang nursing kaya napilitan ako kumuha nito. Pero second choice ko ay Tourism at Journalism. Journalism, kasi nainggit ako kay Jessica Soho nun at kung saan saan siya pumupunta and Tourism, obvious naman siguro.

Doon ko lang natanto na ang pangarap ko pala ay maging lakwatserang Dora the Explorer.�

Nung third year college sinabi ko nun mag aaudition ako Travel and Living Channel at igigive up ko lahat para doon.

Ayun, mahilig ako lumakwatsa at pumunta kung saan kaya nung una nabandtrip mga magulang ko pero ngayon supportive na si Itay pero si Inay hindi.

Gusto ko lang magrant, ito kasi ang nasa utak ko ngayon eh. Haha salamat sa pagbabasa!

0 comments:

Post a Comment

 

Ayyie in Lalaland! Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare