Wala sa mood mag english, masyadong depress.
Di ko alam paano ako mag uumpisa, gusto ko lang malaman mo na sobrang nasaktan ako nung nakita ko ung statement na un. Siguro iniisip mo na sobrang assuming ako, wala tayo magagawa tinamaan ako. Nung chineck ko kasi 2 hours ago, tiningnan ko sent items ko at nasend ko ang text message 2 hours ago. Nasaktan ako sobra, kasi akala ko okay lang sayo pero di ko alam na may tinatago ka na pala inis or sabi mo nga naiirita ka na. Sana noon palang sinabihan mo na ko para 'di na ko nagtatanong about him di ba?
Alam mo nung nabasa ko yung tweet na un, nafefeel ko na talagang pabigat ako na sana manahimik na lang ako dahil feeling ko you really don't care about me, sorry ha too desperate kung anu ano na pumapasok sa utak ko. Sa tweet na un doon ko narealize na talagang pabigat ako sayo, talagang wala ka sigurong paki sa dinadaanan ko or kung may paki ka man, naiinis ka na siguro kasi 'di ako makamove on, di ba ikaw na rin nagsabi na mahirap magmove on, alam mo ang nararamdaman ko kasi naranasan mo na din 'to. Sana you'll support me until na maging stable at kaya ko na tumayo sa sarili ko kasi alam mo na first timer ako sa problemang ganito.
Sabi mo sa tweet mo, "Go ask him yourself!". Alam mo na may space between us pa, although okay na kami pero not as okay as before and unti unti namin inaayos un pero 'di biglaan kasi alam mo din na may ilangang factor pa kami. RN ka dude, sana gamitin mo ung natutunan mo sa Psychiatric Nursing, EMPATHY DUDE!! EMPATHY! And I know alam mo ung nafefeel naming dalawa di ba? Nasaktan ka din, sinaktan ka din ng lalaking pinakamamahal mo at nung time na nag aadjust ka, na nagmomove on ka, may guts ka ba na magtext or magtanong dun sa guy? Hindi di ba? Ganun din ako, parehas lang tayo.
Di ko na alam kung paano ako kikilos around you, di ko na alam kung paano ako magkwekwento sayo kasi hindi ko alam kung nakakainis na ba ako, natatakot ako baka maulit 'to. Alam ko iniisip mo na ganito ako eh, di ko kaya sabihin ng harap harapan sabi mo nga sa akin "nasa loob ang kulo mo" pero dude, iba ba ako sayo? Para na nga taung magkapatid eh, bakit ka pa mahihiya or matatakot na magsabi ng mga ganyang bagay sa akin? Atleast kung nasabi mo kaagad yan, alam ko na ang gagawin ko, alam ko na kung ano nararamdaman mo at alam ko na kailangan ko magfilter ng ikwekwento sayo.
Gusto ko lang ilabas 'to kasi kilala mo ko madepress and ayaw ko rin magkimkim kasi kung alam mo lang kung gaano ka kaimportante sa akin, ayaw ko magkaroon ng galit sayo kasi isa ka sa mga blessings na binigay ni God sa akin. And di ba sabi ko sau, mas mahalaga ang kayo mga kaibigan ko kesa sa kung anu man, and sana ayaw ko masira ang friendship naten dahil dito. Alam mo naman siguro na ikaw ang binabanggit ko, and I texted you as I read the tweet so obviously alam mong para sayo 'to. And I'll try my best to filter ung mga ikwekwento ko sayo.
And to clear things up, I'm just confirming kung talaga bang sinabi mo kasi nabanggit nga niya sa akin na nasabi niyo sa kanya ung about dun sa April 9, ung sa Ozine.
Don't worry, I'm not mad at you. Okay na ko, 'di ko kayang magalit sayo alam mong mahal na mahal kita. Sana, next time, maayos naten 'to. And don't worry 'di naman kita pinipigilan maglabas ng sama ng loob sa twitter and facebook, wala akong karapatang pigilan ka kasi yun ang outlet mo, parehas lang tayo ng outlet.
Sincerely yours,
Aya Empeo
0 comments:
Post a Comment